Cong. Enrique “Tet” Garcia Jr. ng Bataan, pumanaw na

Cong. Tet Garcia / FB Photo
Cong. Tet Garcia / FB Photo

Sumakabilang buhay na si Bataan 2nd District Rep. Enrique “Tet” Garcia Jr.

Ang pagpanaw ng mambabatas ay kinumpirma ng kaniyang anak na si Bataan Gov. Abet Garcia sa pamamagitan ng Facebook post.

Ayon kay Governor Garcia pumanaw ang kanilang ama alas 10:42 kagabi sa Makati Medical Center dahil sa matagal nang karamdaman.

“Our family is deeply saddened to inform you that our beloved father, Cong Enrique Tet Garcia Jr. joined our Creator on June 13, 2016 at 10:42 pm. Please pray for the eternal repose of his soul.

Si Garcia ay naging kongresista ng ikalawang distrito ng Bataan noong 8th, 10th, 11th, 12th at nitong patapos na 16th congress.

Ilang beses ding nanilbihang gobernador ng Bataan ang nakatatandang Garcia.

Nitong nagdaang 2016 elections ay nanalo siyang vice governor sa lalawigan.

Ang nakatatandang Garcia ay itinuturing na ama ng scholar sa Bataan at nagtrabaho rin sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).

 

 

Read more...