Mga labi ng kidnap victim na si Robert Hall, hawak na ng mga otoridad

Nasa Zamboanga City na ang mga labi ng Canadian na si Robert Hall.

Si Hall ay pinugutan kahapon ng Abu Sayyaf matapos na hindi maibigay ang P300 million pesos na ransom money na hinihingi ng bandidong grupo.

Pasado ala una kaninang madaling araw nang dumating sa Zamboanga City galing Jolo, Sulu ang mga labi ni Hall sakay ng UH-1H helicopter.

Ngayong araw ay nakatakdang dalhin sa Maynila si Hall sa pamamagitan ng C130 plane ng Philippine Air Force.

Ang pugot na ulo ni Hall ay nagtagpuan bago mag alas 9:00 ng gabi kagabi sa harap ng Jolo Cathedral na nakasilid sa plastik.

Inakala pa ng mga otoridad na bomba ang laman ng plastic pero nang buksan ito ay nakita ang ulo ng Caucasian looking na lalaki.

Samantala, hindi pa naman inilalabas ng mga otoridad ang impormasyon kung paanong narecover ang katawan ni Hall.

 

 

 

Read more...