MMDA: Number coding suspindido bukas dahil sa tigil-pasada

Bunga ng ikakasang isang linggo na tigil-pasada ng ilang transport  groups, sinuspindi ng  Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad ng expanded number coding.

Kasunod ito ng inter-agency meeting sa MMDA headquarters sa Makati City para isapinal ang lahat ng mga gagawing hakbang bukas, kabilang na ang ‘prepositioning’ ng mga sasakyan sa mga ruta na maapektuhan ng tigil pasada bukas.

“The UVVRP suspension is for Monday only. We will assess if there is a need to suspend the number coding scheme on the succeeding days, depending on the gravity of the transport strike,” sabi ni MMDA General Manager Usec. Procopio Lipana.

Halos 1,200 sasakyan ang ipapakalat ng mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila para magbigay ng libreng-sakay sa stranded commuters.

Ang MMDA ay magpapalabas ng 25 sasakyan na may kapasidad na magsakay ng 1,200 pasahero kada biyahe.

Bukod dito, higit 2,000 sa kanilang mga tauhan ang magbabantay sa mga lansangan.

 

Read more...