NAIA passengers pinapupunta ng mas maaga sa airports

MIAA PHOTO

Dahil sa inaasahang limtadong pampublikong transportasyon bukas, hinikayat ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang mga may biyahe sa apat na terminals ng NAIA na agahan pa ang punta sa airports.

Sa abiso ng MIAA, dapat at higit pa sa tatlong oras ang ilaan para sa inaasahang pagdating sa airports. Nabatid na naghanda na ang airline companies at airline service providers ng ‘contigency measures’ para matiyak na hindi maaapektuhan ang kanilang trabaho at serbisyo. Ayon kay MIAA Gen. Manager Cesar Chiong naglaan sila ng shuttle buses para sa kanilang mga empleado na nakatira sa Cavite. Hinihikayat naman nila ang mga kawani na residente ng Metrio Manila, Bulacan at Laguna na manatili na lamang sa MIAA. Aniya may inihandang temporary sleeping quarters sa kanilang mga opisina at magagamit din ang dating Nayong Pilipino administration bulding para sa kanilang mga pang-personal na pangangailangan. “We are working closely with our stakeholders to mitigate the effect of the strike to NAIA operations. We are continuously monitoring the situation,” ani Chiong. Hinikayat din njya ang mga pasahero na mag-update ukol sa sitwasyon ng pampublikong transportasyon sa mga ulat sa telebisyon, radyo at social media.

Read more...