Nanumpa na kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Maynard Ngu bilang Special envoy of the President to the Republic of China for Trade Investments and Tourism.
Ayon sa Presidential Communications Office, ginawa ang oath taking sa Palasyo ng Malakanyang ngayong araw.
Itinalaga ng Pangulo si Ngu sa naturang puwesto noong Pebrero.
Si Ngu ay dating Chief Executive Officer ng Cosmic Technologies Incorporated.
Ito ang kompanya na nasa likod ng Cherry Mobile.
MOST READ
LATEST STORIES