Sinaksihan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang paglagda sa Contract Package para sa North-South Commuter Railway sa Ceremonial Hall sa Palasyo ng Malakanyang.
Ang naturang proyekto ay popondohan ng Japan International Cooperation Agency at ng Asian Development Bank.
Pinasasalamatan ng Pangulo ang Japan dahil sa malaking papel na ginagampanan para sa infrastructure development sa Pilipinas.
Ang naturang kasunduan ay para sa Contract Package NS-01 (CP NS-01) Electromechanical Systems and Track Works para sa North-South Commuter Railway (NSCR) System.
Kapag nakumpleto ang proyekto, sa halip na mahigit apat na oras na biyahe mula Clark International Airport patungo sa Calamba City, Laguna, aabutin na lamang ito ng dalawang oras.
Mayroon itong commuter service at airport express service.
Sa ilalim ng commuter service, nasa 120 kilometro ang biyahe ng tren habang nasa 160 per hour naman ng airport express service.
Ang 147 kilometer North-South Commuter Railway ay mayroong 35 na istasyon na sakop sa 27 na siyudad at walong munisipyo.
Nasa ilalim ito ng flagship project sa ilalim ng Build, Build, Build Program.
Sabi ng Pangulo, tiyak rin na makalilikha ng libu-libong trabaho ang proyekto.
Malaking tulong ito ayon saa Pangulo lalo’t pinadapa ang ekon omiya ng bansa dahil sa pandemya sa COVID-19 at gulo sa pagitan ng Ukraine at Russia.
Sina Transportation Secretary Jaime Bautista at Mitsubishi Corporation Executive Vice President Koji Ota ang lumagda sa kasunduan.
Kumpiyansa si Bautista, na gagamitin ng winning contractor ang P110.4 bilyong pondo sa proyekto.
Sa taong 2026 inaasahang magkakaroon na ng partial operasyon ang tren.
Sinabi naman ni Sakamoto Takema, chief representative ng JICA, na sa pagbisita ng Pangulo sa Japan noong Pebrero, naaprubahan ang loan para sa second at third tranche ng proyekto.
Kapag nakumpleto, ito na ang pinakamahabang tren sa bansa.