Nagsagawa ng kilos protesta ang climate campaigners sa harap ng Japanese Embassy sa Pasay City.
Ito ay para tutulan ang pagtataguyod ng Japan sa critical role ng LNG at gas na nagbibigay ng energy security sa hydrogen at ammonia bilang kapalit ng fossil fuels.
Ginawa ng Asian Peoples’ Movement on Debt and Development ang kilos protesta kasabay ng 5th Japan Energy Summit na ginaganap sa Tokyo mula noong Martes hanggang ngayon araw.
“We register our strong opposition against fossil gas as transition fuel and reject the use of fossil-based technologies in Asia, such as hydrogen and ammonia. The Japanese government and financing institutions – both public and private – have been aggressively promoting fossil gas and hydrogen to capture the Asian market, especially those countries that are planning to shift away from coal. However, fossil gas combustion is not different from coal in terms of negative impacts to climate, environment and public health,” pahayag ni Lidy Nacpil, coordinator APMDD.
Ayon pa kay Nacpil, marumi ang fossil gas at pangunahing dahilan ito ng global warming at paggamit ng hydrogen bilang fuel ay pagpapahaba lamang ng paggamit ng coal kung saan binuhusan ito ng pondo ngayon ng Japan.
“The use of these false solutions will lead to failure in ensuring major cuts in greenhouse gases required to limit the Earth’s warming to 1.5 degrees Celsius to avoid a climate catastrophe,” pahayag ni Nacpil.
Bukod sa Pilipinas, nagsagawa rin ng kilos protesta ang climate campaigners sa harap ng Japanese embassy sa Bangladesh at Indonesia.