Libro ni Gat Jose Rizal handog ni PBBM kay Malaysian PM Anwar

PCO PHOTO

Binigyan ng librong Noli Me Tangere (Tercera Edition, 1909) ni Pangulong  Marcos Jr. si Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim.

Ibinigay ng Pangulo ang libro ni Dr.. Jose Rizal kay Anwar matapos ang kanilag produktibong bilateral meeting sa President’s Hall sa Malakanyang kahapon. Sa pulong, pinagtibay ng dalawang bansa ang matagal nang ugnayan ng Pilipinas at Malaysia. “The Malaysian Prime Minister considers Dr. Jose Rizal as a “precursor to Asian renaissance”, and deeply appreciates the President’s gesture in giving a very invaluable gift,” pahayag ng Palasyo. Samantala, tumanggap naman ng Waling-Waling brass card holder ang may bahay ni Anwar na si Dr. Wan Azizah binti Wan Ismail, Isa itong  decorative ornament na pinqghalo ng ganda at tibay ng  Waling-Waling. Gawa ang Waling-Waling brass card holder ng Cebuano artisans.

Read more...