P4-B fuel subsidy sa transport at agricultural sectors
By: Chona Yu
- 2 years ago
Naglaan ang Department and Budget and Management (DBM) ng P4 bilyon para sa fuel assistance sa mga nasa transport sector at mga magsasaka.
Ayon kay Sec. Amenah Pangandaman, galing ang pondo sa regular budget ng Department of Transportation (DOTr) at Department of Agriculture (DA) sa ilalim ng 2023 General Appropriations Act (GAA).
“As directed by President Ferdinand Marcos Jr., this administration will continue providing fuel subsidies to our kababayan, especially in the most vulnerable sectors — public transport and agriculture,” pahayag ni Pangandaman.
“Kagagaling lang po natin sa pandemya. Naiintindihan po natin na maraming naapektuhang drivers and even our farmers and fisherfolks. We are banking on our transport and agriculture sector to boost economic recovery. And so we need to provide them the help and boost they need,” dagdag nito.
Nasa P3 bilyon ang kabuuang pondo sa 2023 national budget ang laan para sa fuel vouchers sa mga kwalipikadong public utility vehicle (PUV), taxi, tricycle, at full-time ride-hailing at delivery services drivers nationwide.
Nabatid na mas mataas ito ng P500 milyon kumpara sa P2.5 bilyon na 2022 budget’s fuel subsidy program.
Target ng pamahalaan na ayudahan ang mga apektadong drayber sa pagtaas ng presyo ng gasolina.
Nasa DOTr at Department of Energy (DOE) ang paglalatag ng implementing rules and regulations.
Nasa P1 bilyon naman ang nakalaan na fuel assistance sa 312,000 magsasaka at mangingisda.