Ayon sa Philippine Competition Commission, isinasaad ng section 17 sa Philippine Competition Act, dapat ay ipinagbigay-alam sa komisyon ang naturang transaksyon bago ito isinulong ng dalawang partido.
Dahil dito, maituturing na ‘void’ o walang bisa ang naturang kasunduan at papatawan ng isa hanggang limang porsyentong ‘fine’ o danyos ang dalawa depende sa halaga ng transaksyon.
Giit ng PCC na isang anti-trust watchdog, hindi pa nila na-review ang transaksyon na namagitan sa PLDT, Globe at SMC dahil na-deny ang initial notice na inihain ng Globe at PLDT dahil sa pagiging ‘deficient and defective in form and substance’.
Dapat anilang ayusin muna ng dalawang kumpanya ang nilalaman ng kanilang initial notice bago ito idaan sa review ng komisyon.
Gayunman, giit ng Globe at PLDT, pinal na ang kasunduan dahil wala namang maling impormasyon na nilalaman ang kanilang finitial notice na inihain sa PCC.