Tatlong sakay ng bumagsak na Cessna plane naibaba na

MAYOR CALOY BALDO FB PHOTO
Pasado alas-3 ngayon madaling araw ay naibaba na ang tatlo sa apat na nasawing pasahero ng bumagsak na Cessna 340A aircraft sa Camalig, Albay. Ito ang ibinahagi ni Mayor Caloy Baldo at aniya anuman oras ngayon araw ay inaasahan na naibaba na ang huling bangkay sa Barangay Anoling. Ayon kay Baldo kapag nakumpleto na ang apat na bangkay ay ibibigay na ang mga ito sa PNP –  Scene of the Crime Operatives (SOCO) para sa pagsusuri. Ang unang bangkay ay naibaba kagabi. Halos isang linggo ang inabot na pagbaba ng mga bangkay mula sa gilid ng Bulkang Mayon dahil sa masamang panahon at mahirap na daanan. Kinilala ang mga nasawi sa trahedya na sina Capt. Rufino James Crisostomo Jr.,  crewman Joel Martin, kapwa empleado ng Energy Development Corp., at mga Australian consultants na sina  Simon Chipperfield at Karthi Santhanam.

Read more...