Naniniwala si Senator Jinggoy Estrada na may sapat ng ngipin ang RA 11053 o ang Anti-Hazing Act of 2018 para mapanagot ang mga responsable sa walang saysay na pagkamatay ni John Matthew Salilig.
Aniya pinatunayan lamang ng nakapatay kay Salilig ay walang takot sa naturang batas.
Paniwala pa ni Estrada makakaligtas pa ng ibang buhay kung mapapanagot sa batas ang mga salarin.”
“Hindi man maibabalik ang nasayang na buhay ni John Matthew, maaaring makapagligtas tayo ng iba pa sa hinaharap at maisaisip ng mga miyembro ng mga fraternities, sororities at iba pang katulad na organisasyon na ang mga gawaing ito ng karahasan ay isang mabigat na krimen at wala silang kawala sa batas.
Diin ng senador binibigyan din ng mga ito ng maling kahulugan ang kapatiran kayat hindi dapat sila kunsintihin.