Tigil-pasada sa susunod na linggo, tuloy – transport group

Sa kabila ng pagpapalawig ng tinututulan na ‘franchise consolidation,’ inanunsiyo ng grupon Manibela na itutuloy nila ang hindi pagpasada sa susunod na linggo.

Sinabi ni Mar Valbuena, national chairperson ng Manibela, tanging ang pagbasura lamang ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board’s (LTFRB) sa mandatory consolidation ang makakapigil sa ikakasa nilang tigil pasada.

Inextend lang ‘yung paghihirap kasi ganun pa rin nga ‘yung scheme na nakapaloob doon sa memorandum circular… ‘Yung pagsali sa mga kooperatiba, yung nakapaloob po doon na monopolyo yun pa rin po,” ani Valbuena sa isang panayam sa telebisyon.

Magugunita na sa isang memorandum ng LTFRB, ang mga traditional jeepney, UV Express at maging ang transport network vehicle service ay kinakailangan pag-isahin ang kanilang mga prangkisa at bumuo ng isang korporasyon hanggang Marso 31 para makabiyahe naman hanggang Hunyo 30.

Pinalawig ng LTFRB board ang deadline kasunod ng pag-apila na rin mismo ni Pangulong Marcos na huwag nang ituloy ang transport strike.

Read more...