Sinimulan na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang paghahanap sa isang air ambulance na napaulat na nawawala sa karagatan ng Palawan.
Ipinadala ng PCG ang BRP Malabrigo kaugnay sa napaulat na helicopter crash sa karagatan sa pagitan ng Brooke’s Point at Balabac.
Nabatid na ang Alouette helicopter ay pagmamay-ari ng Philippine Adventist Medical Aviation Services at may sakay itong pasyente mula sa Mangsee island.
Lumipad ang helicopter mula sa Southern Palawan Provincial Hospital sa Brooke’s Point alas-7:30 ng umaga kahapon at dapat nakabalik na ng alas-10:30 ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).t
Lima ang sakay ng helicopter – ang piloto, isang nurse, ang pasyente at dalawang kasama nito.
Huling na-contact ang helicopter alas-12:10 ng tanghali at ito ay nasa distansiyang 35 nautical miles sa silangan ng Balabac.