Pinasalamatan ni Pangulong Marcos Jr. ang relief workers na nagtungo sa Turkey para tumulong sa mga biktima ng magnitude 7.8 magnitude earthquake.
Ayon sa Pangulo, maayos na nagawa ng inter-agency contigent ang kanilang misyon.
Base sa accomplishment report , nasa 1,022 na pasyente ang kanilang naserbisyuhan mula Pebrero 11 hanggang 24.
Nasa anim na bangkay naman ang narekober mula Pebrero 10 hanggang 15 habang nasa 36 na gusali ang na-assess o nasuri.
Samantalang, 11,205 kumot, 5,000 bonnets at 420 na pares ng gloves ang naipamigay ng mga ito.
Dumating sa bansa kagabi ang 82 member ng Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent matapos ang dalawang linggo na search and rescue and retrieval operations sa Turkey.
MOST READ
LATEST STORIES