Malaysian PM Ibrahim tinanggap ni PBBM sa Malakanyang

Bumisita sa Malakanyang si Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim bilang bahagi ng kanyang  dalawang araw na official visit  sa bansa.

Sinalubong siya  nina Pangulong Marcos Jr. at First Lady Liza Marcos.

Kasama naman ni Ibrahim ang kanyang may bahay na si Madam Wan Azizah Ismail.

Tatalakayin nina Pangulong Marcos at Ibrahim ang usapin sa security cooperation, halal industry, people to people at digital economy cooperation.

Magkakaroon din ng official dinner ang Pangulo at si Ibrahim sa Palasyo.

Read more...