Wala na ba talaga tayong takot o guilt na manakit ng kapwa?
Ito ang tanong ni Senator Nancy Binay kaugnay sa pagkamatay ni John Matthew Salilig, ang 24-anyos na Chemical Engineering student ng Admson University na pinaniniwalaang namatay sa hazing rites ng isang fraternity.
Diin ni Binay sa kabila ng pagkakaroon ng pinahigpit na RA 10053 o ang Anti-Hazing Act of 2018 nanatili aniya ang pananakit at pang-aabuso.
Binanggit pa nito na ang Reserve Officers Training Corps (ROTC) program ay idinidikit din sa hazing.
“On- or off-campus, our schools are supposed to be safe spaces for our children. But sadly, schools, administrators and even law enforcement agencies fail to seriously check and monitor organizations na patuloy pa rin sa tradisyunal na initiation rites,” sabi pa ni Binay.
Kasabay nito, dumagdag pa ang boses ni Binay sa mga panawagan ng katarungan para kay Salilig.
Bukod sa pakikiramay sa pamilya ni Salilig sa pagsasabing: “Lagi kong sinasabi na hazing has laid claim to many senseless deaths–not to mention the perpetual and unimaginable pain that families of victims go through.”