Deadline ng jeepney modernization, pinalawig ng LTFRB

 

Pinalawig pa ng Land Transportation and Franchising and Regulatory Board ang deadline ng jeepney modernization sa bansa.

Sa halip na June 30, ginawa ito ito ng LTFRB ng hanggang December 31, 2023.

Ginawa ng LTFRB angd esisyon matapos ihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi urgent ang modernisasyon sa jeepney.

Ayon kay LTFRB chairman Teofilo Guadiz, maglalabas ng memorandum circular ang kanilang hanay para mapalawig ang naturang deadline.

Una nang nagbanta ng isang linggong tigil pasada ang grupong Manibela kapag itinuloy ng pamahalaan ang pag-phaseout sa traditional jeepney.

Tinatayang nasa 100,000 na public utility vehicle ang inaasahang makikiisa sa tigil pasada na ikakasa sa Marso 6 hanggang 12.

Read more...