Pinangunahan ni Pangulong Marcos Jr. ang paglulunsad ng isang urban agriculture program sa Luneta Park sa Maynila.
Sinabi ng Pangulo sa paglulunsad ng Halina’t Magtanim ng Prutas At Gulay, Kadiwa’y Yaman, Plants for Bountiful Barangays Movement (Hapag Kay PBBM) na layon nito na maitaguyod ang sustainable agriculture activities sa barangay level.
“As this initiative consolidates the programs of these two agencies on urban agriculture, I am confident that we will further increase our capacity to take part in our goal to address poverty, ensure food security, and protect the environment even at the barangay level,” pahayag ng Pangulo.
Sabi pa niya; “With the fusion of these two programs, I am certain we will be able to quickly and effectively promote urban agriculture in the entire country and to foster greater ties among residents at the barangay level.”
Pangako ng Pangulo, pagsusumikapan na makapagbigay ng sariwa at masustansyang pagkain sa abot kayang halaga ang programa, na magkatuwang na ikinasa ng Department of Agriculture (DA) at Department of the Interior and Local Government (DILG).
Ito ay ang Green Revolution 2.0: Plants for Bountiful Barangays Movement ng DA na layuning mapataas ang local na produksyon ng prutas at gulay sa urban, peri-urban, at rural areas.
“Ngayon na nahaharap tayo sa problema ulit ng food supply at ng presyo ng pagkain ay ibinuhay natin ulit ang Green Revolution para naman maging sapat ang supply para sa ating mga kababayan, ang gulay at saka ng prutas. And this program encourages our people to grow their own food and other kitchen ingredients close to home, which improves access to affordable, safe, nutritious meals every day,” dagdag ng Pangulo.