Kadiwa ng Pangulo padadamihin ni PBBM Jr.

PCO PHOTO

Magkakaroon ng maraming Kadiwa ng Pangulo outlest sa ibat-ibang bahagi ng bansa.

Ayon kay Pangulong Marcos Jr., ito ay para matulungan ang mga maliliit na negosyante at producers na makarekoberr sa epekto ng pandemya pati na ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

“Sana naman po ay ito po ay pinaparami po namin. Hindi lang po rito sa Santo Tomas, hindi lang po sa Maynila, kung hindi pati na sa iba’t ibang lugar sa buong Pilipinas. At sa huling bilang ko ay nakalampas na tayo sa 500 na Kadiwa na ginagawa sa buong Pilipinas,” pahayag ng Pangulo sa paglulunsad ng Kadiwa ng Pangulo sa Santo Tomas, Batangas.

Sabi ng Pangulo, nakatutok ang kanyang administrasyon sa micro, small, at medium enterprises (MSMEs).

“kasama po natin lahat diyan ang Department of Agriculture, ang Department of Trade and Industry, at siyempre ang pinakaimportante diyan lahat ay ang kooperasyon ng national government at saka ng LGU. Hindi po namin magagawa ito kung wala – kung hindi tumulong ang LGU,” dagdag ng Pangulo.

Nasa 35 sellers na binubuo ng mga magsasaka, mangingisda, asosasyon at kooperasyon ang nakiisa sa Kadiwa ng Pangulo sa Sto. Tomas.

Una nang inilunsad ang Kadiwa ng Pasko noong Disyembre subalit  ginawa ito at sumailalim sa rebranding na Kadiwa ng Pangulo, na unang inilunsad naman sa Cebu City noong Pebrero 27.

Read more...