Bagong hazing death pinatutukan ni Abalos sa PNP

BINAN CITY POLICE PHOTO

Inatasan  Interior  Secretary Benhur Abalos ang pamunuan ng PNP  na magsagawa ng masusing imbestigasyon sa pagkamatay ng estudyante ng Adamson University dshil sa diumanoy fraternity hazing.

Ayon kay Abalos, kailangan na alamin ng PNP ang mga pangyayari na bumabalot sa pagkamatay ni John Matthew Salilig.

Sa ngayon, 15 katao na ang itinuturing na persons of interest sa pagkamatay ng 24-anyos na engineering student.

Una nang naiulat na nawawala si Salilig bagamat naipaalam nito na sa isang kapatid na dadalo siya ng aktibidad ng fraternity.

Isang testigo ang nagsabi na namatay ang biktima matapos sumailalim sa initiation rites at ibinaon ang kanyang bangkay sa isang bakanteng lote sa Imus, Cavite.

 

 

 

Read more...