LGUs pinakiusapan na magkasa ng libreng sakay sa tigil-pasada

 

Pinakiusapan na ni Interior  Secretary Benhur Abalos ang local government units (LGUs) na magpakalat ng mga sasakyan at magbigay ng libreng sakay kasabay ng isang linggo na tigil-pasada sa susunod na linggo.

Ayon kay Abalos, hindi lamang ang LGUs ang kanyang kinausap kundi maging ang Metro Manila Development Authority (MMDA).

Umaasa si Abalos na matutuloy ang diyalogo sa pagitan ng mga drayber at gobyerno para mapigilan ang tigil pasada.

Hindi kasi aniya biro ang ikinakasang tigil pasada dahil maraming mga pasahero ang maii-stranded.

Inatasan na rin ni Abalos ang mga tauhan ng pambansang pulisya na ipatupad ang maximum tolerance sa kilos-protesta ng transport groups. bukod pa sa pagrespeto sa karapatan ng mga operators at drivers.

Una nang nakiusap si Pangulong Marcos Jr., sa transport groups na huwag nang ituloy ang balak nilang hindi pagbiyahe ng isang buong linggo.

Read more...