Sinalakay ng mga ahente ng Bureau of Customs (BOC) ang isang bodega sa Binondo, Maynila kung saan nadiskubre ang tinatayang P10 bilyong halaga ng mga fake branded products.
Ayon kay Comm. Bienvenido Rubio pinangunahan ng kanilang Customs Intelligence and Investigation Service-Manila International Container Port (CIIS-MICP) ang operasyon base sa intelligence reports.
Dagdag pa nito, kabilang sa mga nadiskubre ang ibat-ibang imported na sapatos, damit, gamit pang-kusina, electronic at beauty products.
“These counterfeit items infringe trademarks, such as Nike, Coach, Adidas, Guess, Louis Vuitton, Dior, and Gucci, among others,” ani Rubio.
Ikinandado pansamantala ang bodega, sabi pa ng opisyal.
MOST READ
LATEST STORIES