Nadiskubreng biofertilizer magpapababa ng presyo ng abono
By: Chona Yu
- 2 years ago
Asahan nang mababawasan ang problema sa fertilizer o abono sa bansa, ayon kay Pangulong Marcos Jr., dahil sa natuklasang biofertilizer na maaring magamit ng mga magsasaka.
Aniya mababawasan na ang pagiging dependent ng mga magsasaka sa mahal, imported at petroleum-based na mga abono.
“We are totally dependent on petroleum-based fertilizer – now, we are going to introduce biofertilizer to our farmers and teach them how to use it. And hopefully, this will ease our concerns when it comes to the supply of fertilizer. And we can fully control the availability of biofertilizer,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Isinulong ng Pangulo ang paggamit ng biofertilizer hindi lamang dahil sa mataas na presyo ng regular na abono kundi masiguro na may available at sapat na suplay sa merkado.
Inamin naman nito na may kamahalan ang biofertilizer pero maaring maging mura ang presyo nito lalo na kung magagawa ito sa Pilipinas.
“Kayang-kaya daw dito i-produce sa Pilipinas ‘yan. And furthermore, there are many technologies from UPLB, from the other SUCs, the agricultural colleges, marami silang na-research, na-develop na technologies diyan sa biofertilizer,” pahayag ni Pangulong Marcos.