P495 milyong budget para sa DPWH right-of-way payment, aprubado na ng DBM

Photo credit: DBM media

 

Inaprubahan na ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang P495 milyong Special Allotment Release Order (SARO) para sa Department of Public Works and Highways.

Gagamitin ang pondo para sa pambayad sa right-of-way (ROW) para sa mga pag-aari na naapektuhan ng NLEX-SLEX Connector Road Project (NSCRP).

Ayon kay Pangandaman, kukunin ang pondo sa Program/Activity/Project sa Fiscal Year 2023 DPWH Budget.

“As we continue the timely release of funds under the 2023 General Appropriations Act, the DBM also ensures that priority projects and programs of the Marcos Jr. administration will be provided with the needed budget at the soonest possible time. The budget for the right-of-way payments for the NSCRP will definitely boost our Build, Better, More program,” pahayag ni Pangandaman.

“Alam naman po natin na isa sa pinaka-crucial na part ng project implementation is the right-of-way. That’s why securing the payment for all affected properties is very important. And we also thank our kababayans for their solidarity and cooperation. Importante po ‘yun para umusad ang proyekto,” pahayag ni Pangandaman.

Ang NSCRP ay may haba na walong kilometro at  mayroong elevated 4-lane toll expressway.

Layunin nito na mapabilis ang biyahe sa Manila, Caloocan, Malabon, at Navotas.

 

 

Read more...