Pangho-‘hostage’ ng San Juan LGU sa terminal pay ng ilang retirees, pinuna ni Ejercito

Nanawagan si Senator JV Ejercito sa pamahalaang-lungsod ng San Juan na ibigay na ang ‘terminal pay’ ng 20 retiradong kawani.
Ayon kay Ejercito umaabot sa P40 milyon ang naturang huling bayad sa pagseserbisyo ng mga dating kawani.

Binanggit nito na pulitika lamang ang dahilan kayat iniipit ang terminal pay at ito aniya ay labis na nakakadismaya.

Ilang dekada na pinamunuan ang San Juan ng pamilya Estrada – dating Pangulong Erap Estrada, Sen. Jinggoy Estrada, Ejercito at dating Mayor Guia Gomez.

Dati nilang kaalyado ang mga Zamora, na kinabibilangan ni Mayor Francis Zamora.

Paglilinaw ni Ejercito na hindi niya tinutuligsa si Zamora at aniya ay maibigay lang ang nararapat sa mga dating kawani.

Aniya ang ikinatuwiran ni Zamora ay wala silang pondo para sa terminal pay ng mga retirado.

Sinuportahan ng ilang senador ang panawagan ni Ejercito.
Read more...