Ayon kay Jolo police chief Supt. Junpikar Sittin, narekober nila ang ulo na nasa loob ng plastic bag dakong alas-9 ng gabi ng Lunes sa tabi ng Carmelite Cathedral.
Napaghinalaan pa aniya ng kanilang mga tauhan na isa itong pampasabog, ngunit nang inspeksyunin to ng mga Scene of the Crime Operatives (SOCO), doon nila nalaman na isa pala itong ulo ng matandang Caucasian na lalaki.
Hindi pa naman nila nakukumpirma na ang ulong ito ay sa Canadian na bihag ng Abu Sayyaf na si Robert Hall.
Gayunman ayon kay Sittin, base sa mga paglalarawan, posibleng ito nga ay ulo ni Hall.
Una nang inanunsyo ng tagapagsalita ng Abu Sayyaf na pinatay na nila si Hall matapos nilang hindi makuha ang hinihinging ransom na P300,000.
Ang deadline na ibinigay ng Abu Sayyaf ay June 13, alas-3 ng hapon. Sinabi pa ng bandidong grupo na makikita na lamang ang bangkay ni Hall sa bayan ng Jolo.