‘Never say die’ ng Gilas Pilipinas kinapos sa Lebanon

Dalawang pagkakataon ang napalagpas ng Gilas Pilipinas para talunin sana ang Jordan sa kanilang paghaharap sa Fiba World Cup qualifiers sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

May 31 segundo pa ang natitira sa laban at 91-90 ang iskor, ngunit nabigo si Scottie Thompson na maipasok ang kanyang dalawang freethrows mula sa foul ng isang Lebanese.

Naghigpit sa depensa ang Gilas at napuwersa ang isang Lebanese player na tumira may apat na segundo pa ang natitira.

Ngunit nabigo naman si Ray Parks Jr., na maipasok ang kanyang short jumper.

Dahan-dahan na tinapyas ng national team ang 25 lamang ng mga bisita sa pagsusumikap ni Justin Brownlee, na kumamada ng 41 puntos.

Tabla ang Pilipinas at Jordan sa standing, 6-4.

 

Read more...