Jeep, UV Express operators at drivers nagbanta ng isang linggong tigil-pasada

Inanunsiyo na ng traditional jeepney at UV Express operators at drivers ang gagawing isang linggong tigil-pasada sa susunod na buwan sa buong bansa.

Sinabi ni Mar Valbuena, chairperson ng grupong Manibela, na itutuloy nila ang kanilang banta kapag hindi sila pinakinggan ng mga awtoridad sa kanilang hirit na suspindihin ang ‘mandatory consolidation’ ng kanilang mga prangkisa.

Sa taning ng aming hanapbuhay, isang linggong tigil pasada magmula March 6. Kung hindi babawiin ng LTFRB, isang linggong tigil pasada nationwide, lalong-lalo na sa NCR ,”  ani Valbuena.

Sinabi nito na dapat ay maging makatuwiran at makatao ang ipinilit na jeepney modernization program.

“Basta po makatao yung presyo ng modern jeepney na inaalok sa atin,” Valbuena said. “Dapat ito rin ay makatwiran at sariling atin. Halos 100% na ang tinaas ng presyo ng modernized mini bus. Hirap na hirap itong hulugan. Yung iba may mga demand letters na dahil hindi makabayad,” dagdag pa nito.

Aniya sa Metro Manila pa lamang, tinatayang 40,000 jeepney at UV Express units ang lalahok sa tigil-pasada.

Read more...