Tumulong na ang Philippine Coast Guard (PCG) sa paghahanap ng nawawalang Taiwanese-flagged fishing vessel.
Nagpakilos na ang PCG ng kanilang Search and Rescue Teams at gumagamit na rin sila ng Cessna Caravan aircraft para mahanap ang tuna longliner Sheng Feng No. 128.
Ayon sa ulat ng Taiwan Fisheries Agency alas- 2 ng madaling araw noong Pebrero 18 nang napansin na wala ng naipapadalang signal ang naturang vessel.
Ang huling nairecord na lokasyon nito ay 414 nautical miles northwest ng Malakal Island sa Palau.
Nabatid na bukod sa Taiwanese skipper, may lima itong Indonesian fishermen crew members mula sa Yanpu port sa Donggang Township, Pingtung County.
Nagpalipad na rin ang Us Coast Guard ng dalawang surveillance aircrafts ngunit nabigo na mahanap ang fishing vessel.
Isa pang commercial vessel ang tumulong sa paghahanap ngunit naging negatibo ang resulta.
May dalawang Taiwan Coast Guard cutters ang magsasagawa din ng paghahanap, bukod pa sa walong Taiwanese fishing vessels.