UPDATE!!! Bawas-presyo sa mga produktong-petrolyo

Sa pagtatapos ng  buwan ng  Pebrero, magbabawas ng presyo ng kanilang mga produkto ang mga kompaniya ng langis sa bansa.

Sa magkakahiwalay na abiso ng Caltex, Cleanfuel, Jetti, Petro Gazz, Phoenix Petroleum, Seaoil, Shell at Unioil  bababa ng P0.70 ang kada litro ng gasolina, samantalang P1.30 naman ang mababawas sa presyo ng diesel.

Ang Caltex, Seaoil at  Shell ay nagsabing matatapyasan ng P1.80 ang kada litro ng kanilang kerosene, na ikaapat ng sunod na linggo na bumaba ang presyo.

Sinabi na ang pagbuti ng suplay ng langis sa Estados Unidos ang dahilan nang pagbaba ng presyo ng langis sa pandaigdigang-pamilihan.

Simula noong Enero, tumaas na ng P8.10 ang kada litro ng gasolina, P1.90 sa diesel at P1.80 naman sa kerosene.

 

 

Read more...