Isinara ng pamahalaang-lungsod ng Makati ang Smart Communications Inc. headquarters sa Ayala Avenue dahil sa apat na itong walang business permit.
Sa pahayag ng Makati City government, nabigo din ang Smart na makakuha ng anumang kautusan sa korte ukol sa franchise tax deficiency na nagkakahalaga ng P3.2 bilyon at ito ay naipon mula Enero 2021 hanggang Disyembre 2015.
Sa closure order na may petsang Pebrero 23, nilabag ng punong tanggapan ng Smart ang City Ordinance No. 2004-A-025, na ukol sa pagkakaroon ng mayor’s permit para sa lahat ng mga negosyo sa lungsod.
Kasabay nito, pinaalahanan ni City Administrator Atty. Claro Certeza ang lahat ng mga negosyo sa lungsod na kumuha ng business permit para sa operasyon ng kanilang negosyo.
Samantala, sa inilabas na pahayag ng Smart, sinabi nito na susunod sila sa lahat ng local tax ordinances at sa mga pambansang batas.
“Smart has filed the appropriate cases to resolve outstanding legal issues; these cases remain pending. Our legal and tax teams continue to be in touch with the Makati LGU on the matters at hand,” ayon sa Smart.
Tiniyak din ng telco na mananatili at hindi maapektuhan ang kanilang serbisyo ang pangyayari.