Nais ni Senator JV Ejercito maging legal at kilalanin ang motorcycle taxis bilang public utility vehicles (PUVs). Isinusulong ni Ejercito ang panukala upang magkaroon ng opsyon sa murang transportasyon ng mga komyuter sa Metro Manila. Paliwanag ng senador sa ngayon tanging provisional authority mula sa Department of Transportation (DOTr) lamang ang pinanghahawakan ng operators ng motorcycle taxis sa kanilang pagbiyahe. “Kasalukuyan kasi, ginagamit na ‘yan for delivery couriers, for motorcycle taxis, because of technology. Pero provision authority to operate palang,” ayon sa senador. Bukod kay Ejercito, ilang senador ang sumusuporta sa legalisasyon ng motorcycle for hire, kabilang sina Sens. Grace Poe. Sonny Angara, Imee Marcos at Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. “Itong mga ito na finile namin––tulad nila Senator Grace Poe, chairman ng public services committee––ay ma-legalize na itong ganitong operation. Makita natin kasi ang competition… the motorcycle taxis and couriers, lalo na nitong pandemya… lalo na ngayon medyo na matindi na ulit ang traffic,” dagdag pa niya. Noong Hulyo 2022 inihain ni Ejercito ang Senate Bill 167 o Public Utility Motorcycles Act upang maamyendahan ang 58-taon ng Republic Act No. 4136, o Land Transportation and Traffic Code, para kilalanin ang mga motorsiklo na maging PUVs at legal na makapaghahatid ng mga pasahero na may bayad. Sa pagpasa ng panukala, binigyang diin ni Ejercito na dapat matiyak angkaligtasan ng mga pasahero. “Well in fairness sa Angkas, Grab, yung mga Lalamove, sa tingin ko, napansin ko, yung mga riders nila, medyo trained ‘yan at talagang maayos silang mag-ride,” ani Ejercito. Dagdag pa ni Ejercito: “Iyon ang isusulong ko rin mandatory training for motorcycle riders bago sila isyuhan ng lisensya.”
Motorcycle taxis gusto ni Sen. JV Ejercito na ituring na PUVs
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...