Pulong nina Duterte at U.S Ambassador Goldberg natuloy na

duterte-goldberg-1024x575
Inquirer file photo

Nakipagpulong si US Ambassador to the Philippines Philip Goldberg kay President-elect Rodrigo Duterte kaning hapon.

Dumating si Goldberg sa Davao City pasado alas-dos ng hapon para sa kanyang courtesy call kay Duterte.

Hindi naman ipinaalam sa publiko ang napag-usapan nina Goldberg at Duterte.

Matatandaang hinamon ni Duterte ang US at Australia na putulin na ang diplomatikong relasyon sa Pilipinas matapos magkomento ang kanilang mga kinatawan sa kanyang rape joke sa isang Australian missionary.

Sa pamamagitan ng Twitter, sinabi ni Australian Ambassador Amanda Gorely na hindi dapat kailanman ginagawang biro ang rape at murder.

Hind aniya katanggap-tanggap ang pananakit sa mga kababaihan.

Kapansin pansin din ang pagpabor ni Goldberg sa mga nasabing pahayag ni Gorely.

Hindi naman napigilan ni Duterte na sagutin ang mga pahayag ng dalawang kinatawan kung saan sinabi nito na huwag nang mangialam sa anumang usaping pulitiko ng Pilipinas.

Read more...