Mga oil companies magpapatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo

gasMagkakaroon ng paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo bukas, June 14.

Epektibo alas sais ng umaga, ipapatupad ang dagdag-bawas sa presypo ng gasolina, diesel at kerosene.

Ayon sa Shell Philippines at SEAOIL, bababa sa P0.25 kada litro ang presyo ng kanilang gasolina habang tataas naman sa P0.30 kada litro ang presyo ng diesel at P0.15 kada litro ang kerosene.

Sinabi naman ng Caltex na bababa ang presyo ng kanilang gasolina sa P0.10 kada litro habang ang diesel at kerosene naman ay tataas sa P0.35 at P0.20 kada litro.

Ang Phoenix Petroleum naman ay itataas ang presyo ng gasolina sa P0.25 kada litro at ibababa naman ang presyo ng diesel sa P0.30 kada litro.

Read more...