Liloan, Southern Leyte niyanig ng lindol

Phivolcs Facebook photo

 

Niyanig ng 3.2 magnitude na lindol ang Liloan, Southern Leyte kaninang 4:10 ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 21 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensity II sa Saint Bernard, Southern Leyte at Instrumental Intensity I sa Malitbog, Southern Leyte.

Wala namang inaasahang aftershocks matapos ang lindol.

 

Read more...