Bangkay ng apat na sakay ng bumagsak na Cessna plane, narekober na

 

 

Nakuha na ang bangkay ng apat na sakay ng bumagsak na Cessna plane sa Bulkang Mayon sa Bicol.

Ayon sa Facebook post ni Camalig Mayor Carlos Irwin Baldo Jr., nakuha ang bangkay ng apat ng emergency responders pitong araw matapos ang insidente.

Patungo na aniya sa base camp sa Brgy Anoling sa Camalig ang emergency responders.

Kabilang sa mga nasawi ang piloto na si Capt. Rufino James Crisostomo Jr.. ang mechanic na si Joel Martin at dalawang Australian na pasahero na sina Simon Chipperfield at Karthi Santhanam.

 

Read more...