Power subsidy charge suspindo pa rin ng anim na buwan

Pinalawig ng Energy Regulatory Commission (ERC) ng anim na buwan ang suspensyon sa pagbabayad ng mga konsyumer ng subsidiya para sa renewable energy.

Sa inilabas ba pahayag ng ERC, ang suspensyon sa pangongolekta ng Feed-in Tariff Allowance (FIT-All) ay simula sa susunod na buwang hanggang sa Agosto.

Ang suspensyon ay bunsod ng mataas na halaga ng kuiryente.

Nangangahulugan ito na makakatipid ang mga konsyumer ng ₱0.0364 per kilowatt hour sa bayad sa kuryente.

Nabatid na bago ilabas ang desisyon ay inaalam muna ng ERC ang estado ng naturang pondo.

Sinimulan ang  FIT-All para makahikayat ng mga mamumuhunan sa renewable energy sector.

 

Read more...