P3.7-M kush huli ng BOC-Clark, 1 arestado

Kinumpsika ng Bureau of Customs – Port of Clark ang higit P7.73 million halaga ng high-grade marijuana o kush sa Subic Bay Freeport Zone. Nabatid na dumating sa bansa ang shipment na nagmula sa Quebec, Canada noong Pebrero 19 at idineklara ang mga ito na kurtina at bulak. Ipinaamoy ito sa drug-sniffing dog at sumailalim sa x-ray scanning base sa impormasyon mula naman sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Kasunod nito ay nadiskubre na ang limang pakete ng tuyong dahon na may timbang na 2.3 kilos. Nang sumunod na araw matapos makumpirma na kush ang kargamento, nagsagawa ng controlled delivery operation sa Subic Bay Freeport Zone at agad inaresto ang tumanggap nito.

 

Read more...