P15-T PPP projects ng PBBM-admin aaprubahan na lang ng NEDA

Sa susunod na buwan, iaanunsiyo ang mga panibagong  public-private partnership projects, ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA).

Sinabi ni Sec. Arsenio Balisacan na  3,700 proyekto na nagkakahalaga ng P15 trillion ang kailangan na lamang ng pag-apruba ng  NEDA Board, na pinamumunuan ni Pangulong Marcos Jr.

“They’ll bare the entire list, we’ve identified likely PPPs but are open to likely accommodating any of those,” ang pagbabahagi ni Balisacan sa forum na inorganisa ng Makati Business Club (MBC).

Kasama sa mga proyekto ay mga pang-imprastraktura, na bubuhusan din ng gobyerno ng pondo para mapalago ang ekonomiya.

Nabanggit ni Balisacan na may 98 PPP projects na nagkakahalaga ng P3 trilyon ang ikakasa na lamang.

Magugunit na binuksan na ang cancer treatment center sa Philippine General Hospital, ang unang PPP project ng kasalukuyang administrasyon na natapos at nabuksan.

 

Read more...