Coast Guard personnel na nagbabantay sa WPS pinarangalan
By: Jan Escosio
- 2 years ago
Binigyang pagkilala ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga tauhan nito na itinalaga at nagbabantay sa West Philippine Sea.
Pinangunahan ni PCG Commander Admiral Artemio Abu ang pagkilala sa Port of Puerto Princesa City sa Palawan.
Iginawad ni Abu ang Coast Guard bronze medal at ribbon sa 133 Coast Guardians ng BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701), BRP Malapascua (MRRV-4403) at ibat ibang unit ng Coast Guard District Palawan kasama na ang Angels of the Sea.
Binigyan naman ng Award of Distinguished Coast Guard Cross Medal at ribbon ang Commanding Officers ng BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701) at BRP Malapascua (MRRV-4403) na sina Commander Erwin Tolentino at Commanding General Captain Rodel Hernandez.
Binigyang diin ni Abu ang papel na ginagampanan ng PCG para maidepensa ang sovereign rights ng Pilipinas sa West Philippine Sea.