‘Eddia Garcia Act’ inihain muli sa Senado ni Sen. Lito Lapid

Para makatiyak na may proteksyon at maayos na kita ang mga nasa entertainment industry ng bansa, inihain ni Senator Manuel Lapid ang Senate Bill No. 1889.

Paliwanag ni Lapid kulang sa social protection programs ang maraming nabubuhay sa industriya ng showbiz at aniya ito

ay dahil na rin sa kulang na pagkilala ng gobyerno sa kakaibang uri ng kanilang mga trabaho.

“These include self-employment, temporary or open-ended, part-time or full-time work arrangements with one or more employers, or a mix of these. Furthermore, entertainment work is sometimes characterized by unpredictable revenues and a reliance on consumer or audience demand as well as the season, resulting in an irregular nature of work that is frequently linked with regional, and occasionally worldwide, mobility,” ayon sa explanatory note sa panukalang batas.

Sa panukala, malinaw din kung sino ang maituturing na ‘entertainment industry worker.’

“Dahil kinikilala natin ang ambag ng mga manggagawa sa pelikula, telebisyon, radyo at ng kabuuan ng entertainment industry sa ekonomiya, kuktura, kamalayan at pambansang kaunlaran, ngayon, higit kailanman, na dapat ipakita ng pamahalaan ang kanyang pagpapahalaga sa kanila sa pamamagitan ng pagkakaroon ng komprehensibong pagsusuri sa kalagayan ng mga nabanggit na industriya gayundin ang pagsisiguro na ang mga manggagawa dito ay may oportunidad, nakabubuhay na sahod, proteksyon laban sa pang aabuso, pananamantala at panganib sa lugar kung saan sila naghahanap buhay at siguraduhing ang kanilang mga karapatan ay iginagalang,”ayon sa senador.

Isinunod ang panukalang-batas sa namayapang beteranong aktor na si Eddie Garcia, na namatay matapos maaksidente sa shooting ng isang tele-serye noong 2019.

Read more...