Job-skills mismatch, isyu sa Tech-Voc training – Villanueva

PDI PHOTO

Sumesentro sa ‘job-skills mismatch’ ang mga isyu na bumabalot ngayon sa Technical-Vocational Education and Training (TVET) sa bansa.

“Palagi nating sinasabi na hindi trabaho ang kulang – ang kulang ay mga graduates na swak sa trabaho,” banggit ni Villanueva sa unang Standing Committee meeting ng 2nd Congressional Commission on Education (EDCOM 2).

Sinabi pa nito na halos dalawa sa bawat tatlong TVET graduates ang nakakaranas pa rin ng training-job mismatch o nagta-trabaho na hindi ayon sa kanilang naging pagsasanay.

Pagdidiin ng senador na dapat pagsumikapan na magkaroon ng koneksyon ang TVET trainings sa pangangailangan ng mga industriya o negosyo.

Sa pulong nabanggit din ang pagbaba ng bilang ng TVET graduates bunga naman ng pandemya bagamat may obserbasyon na mas maraming college graduates ang pumapasok sa TVET courses para sa karagdagang pagsasanay at bilis na makapag-trabaho.

“Isa po sa paborito kong analogy sa ating education system ay isang hagdan. Naririto po tayong lahat ngayon upang tiyakin na makumpleto natin at maging sapat ang mga baitang ng hagdan tungo sa isang masayang pagbabago,” dagdag mensahe pa ni Villanueva.

Read more...