Optical Media Board wala ng silbi, pinalulusaw ni Estrada

Para kay Senator Jinggoy Estrada hindi na kailangan ng Optical Media Board (OMB) kayat nais na niyang itong mabuwag.   “The significant technological advancements in the media landscape rendered the use of video tapes and compact discs obsolete. Today, movies and television series are consumed through digital and online platforms and streaming services. Ang mandato na dapat ginagampanan ng OMB ay hindi na makabuluhan o naaayon sa kasalukuyang panahon,” katuwiran nito.   Inihain ni Estrada ang Senate Bill 1904 o ang ‘Act Abolishing the OMB.’   Nilikha ang OMB alinsunod sa RA 9239 o ang Optical Media Act of 2003 para sa kampaniya ng gobyerno laban sa ‘film piracy.’   Una nang hiniling ng senador noong nakaraang taon na mailipat na ang mandato ng OMB sa Film Development Council of the Philippines (FDCP) bunsod na rin aniya ng ‘dismal performance’ ng ahensiya.

“There was a steady decline in the estimated value of seized items in the last five years, from P763 million in 2018 to P305,000 in 2022. Also, no new administrative cases were filed against violators of RA 9236 last year and by own admission of the OMB, this is because DVDs are not used anymore,” dagdag pa nito.

Read more...