Makalipas ang dalawang taon, muling magsasagawa ang Simbahang Katoliko ng pagpapahid ng abo ngayon ‘Ash Wedneaday.’
Ngayon ang unang araw ng 40-day Lenten season sa Simbahang Katoliko.
Nabatid na maagang nagsimula ang paghahanda ng Simbahan.
Ang pagpapahid ng abo sa noo ay tanda ng pagsisimula ng pagsisisi ng mga Katoliko.
Ang Archdiocese of Manila ay nagpalabas na ng circular na pinirmahan ni vice chancellor Carmelo Arada Jr., ukol sa pagbabalik ng pisikal na pagpahid ng abo sa noo.
Kasabay nito ang mga paalala para sa sagradong pagggunita ng unang araw ng Kuwaresma.
MOST READ
LATEST STORIES