P500-B nawawala kada taon sa tax evasion – BIR chief

Halos P500 bilyon ang nalulugi sa giobyerno kada taon dahil sa mga hindi nagbabayad ng buwis.

Ito ang ibinahagi ni Bureau of Internar Revenue (BIR) Comm. Romeo Lumagui Jr.

“If isasama natin yung illicit trades, sa sigarilyo pa lang nasa halos ₱100 bilyon na yanWala pa yung leakage sa petroleum, yung hindi rehistrado at sa pagbebenta ng pekeng resibo. Siguro hindi bababa sa ₱500 bilyon kung susumahin mo,” ani Lumagui.

Sinimulan na kamakailan ng kawanihan ang pinaigting na kampaniya laban sa hindi pagbabayad ng buwis, gayundin ang mas masusing pangongolekta.

Ngayon buwan, 74 reklamo ng hindi pagbabayad ng buwis ang inihain ng BIR laban sa ilang indibiduwal at korporasyon at nagkakahalaga ito ng P3.58 bilyon.

 

Read more...