Nanumpa na sa harap ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga bagong opisyal na bubuo sa mga pamunuan ng National Amnesty Commission (NAC) at iba pang ahensya ng pamahalaan.
Kabilang sa mga nanumpa kahapon sa Palasyo ng Malakanyang sina Atty. Leah T. Armamento bilang chairman ng NAC, kasama ang mga commission members na sina Atty. Jamar M. Kulayan at Atty. Nasser A. Marohomsalic.
Maging si Lope B. Santos II ay nanumpa na bilang lead convenor ng National Anti-Poverty Commission (NAPC).
Matapos ang kanilang oathtaking ceremony, opisyal na ring umupo bilang chairperson ng Marawi Compensation Board (MCB) si Maisara Dandamun-Latiph, gayundin ang mga miyembro ng board na sina Romaisa L. Mamutuk, Dr. Jamaica L. Dimaporo, Sittie Aliyyah L. Adiong, Mustapha C. Dimaampao, Dalomabi Lao Bula, Mabandes Sumndad Diron Jr., Nasser M. Tabao at Atty. Mosmelem Macarambon Sr.
Samantala, nanumpa na rin sa harap ni Pangulong Marcos ang mga bagong miyembro ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity (OPAPRU) na kinabibilangan nina David B. Diciano, Presidential Assistant I; Arnulfo R. Pajarillo, Presidential Assistant I; Isidro L. Purisima, Presidential Assistant I; Andres S. Aguinaldo Jr., Executive Director IV; Susana Guadalupe H. Marcaida, Executive Director IV; Wilben M. Mayor, Executive Director IV; at Cesar D. De Mesa, Executive Director IV.
“I am happy today, that these agencies that are not terribly well known but are extremely important to the function of this government. We know that we have people in these very, every important agencies that we can count on,” pahayag ng Pangulo.