Sorpresang bumisita si U.S. President Joe Biden sa Ukraine.
Ito ay bilang pag-suporta ni Biden kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa nalalapit na anibersaryo ng pag-atake ng Russia sa Ukraine.
Ayon kay Zelensky, tinalakay nila ni Biden ang usapin sa long-range weapons.
Ginawa ni Biden ang pagbisita sa Ukraine isang araw bago ang major address ni Russian President Vladimir Putin.
Pebrero 24 nang atakihin ng Russia ang Ukraine.
MOST READ
LATEST STORIES