WATCH: Grupong BAYAN, nagsunog ng bandila ng Amerika sa harap ng U.S. embassy

Kuha ni Jong Manlapaz
Kuha ni Jong Manlapaz

Sumugod ang nasa 50 katao na miyembro ng grupong BAYAN sa harap ng U.S. Embassy sa Maynila.

Ito ay para kondenahin ang hakbang ng U.S. na isama ang CPP/NPA sa listahan ng mga itinuturing na teroristang grupo.

Ayon sa grupong BAYAN Southern Tagalog, matapos ang 15-taon muling nagbukas ang pintuan para sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng National Democratic Front at ng Duterte administration.

Pero dahil sa pagsama ng U.S sa listahan ng mga grupong terorista ang CPP-NPA, nababahala ang grupo na madiskaril pa ang nasabing usapin.

Maliban dito, kinokondena rin ng grupo ang pagpapatayo ng mga base militar ng mga Amerikano sa bansa, sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

Bilang protesta, nagsunog pa ng bandila ng Amerika ang mga militante, at mapayapa din umalis sa harap ng U.S. embassy matapos ang kanilang programa.

 

 

 

Read more...