Ayon sa source ng Inquirer.net, nasa 20 crime lords na karamihan ay nakakulong ngayon sa New Bilibid Prison (NBP) ang nag-ambag na para mabuo ang “kill-Duterte fund”.
Binanggit ng source na mas malaki pa ang nililikom na pondo kumpara sa P50 milyon na unang binanggit ni Chief Supt. Ronald Dela Rosa.
Ayon sa source, nasa 20 main players ang nag-pledged na ng P50 million kada isa sa kanila para mabuo ang isang bilyong piso. “Not only one person will pay, but people from different organizations,” ayon sa source ng Inquirer.net
Dagdag pa ng source, dalawa sa 20 nag-pledge ng ambag, ay kabilang sa tinaguriang “Bilibid 19” na nakakulong sa Building 14 ng NBP.
Maliban kina Duterte at Dela Rosa, kasama din sa umano’y “kill-list” sina incoming senator at dating Justice Sec. Leila De Lima at si Bureau of Corrections (BuCor) chief Ricardo Rainier Cruz III.